KORONADAL CITY – Sabay na iniharap sa piskalya sa bayan ng Polomolok ang magsing-irog na pawang menor de edad na nag iwan sa bangkay ng sanggol sa damuhang bahagi ng isang subdivision sa Upper Klinan sa nasabing bayan.
Ayon kay P/Lt Col. Joseph Forro, hepe ng Polomolok Municipal Police station na sabay prenisenta sa prosecutors office ang 16 taong gulang na babae at 17 anyos na lalaki na kinasuhan ng infanticide.
Ayon kay Forro na pinangaralan pa ng Piskal ang dalawang suspek matapos ipinanganak at itinapon ang walang buhay na sanggol. Nagsimula umano ang relasyon ng dalawang menor de edad matapos magkasama sa inuman. Nalaman din na nag-aaral ang dalawa sa isang paaralan sa Polomolok South Cotabato.
Matatandaan pasado alas-ng madaling araw noong linggo ng pumarada ang motor na sinakyan ng mga suspek sa harapan ng bahay ni Nelson Villafuerte sa Upper Klinan. Dali-dali umanong bumaba ang mga sakay at bitbit ang isang bag at iniwan sa damuhang bahagi .
Pagkatapos umanong nakaalis sa lugar ang mga suspek dali namang tiningnan ni Villafuerte ang bag at tumambad ang patay na sanggol na babae kayat tumawag sa Pulisya .
Dagdag pa nito na pasado ala 8 ng umaga bumalik ang lalaking suspek kasama ang isa pa bitbit ang isang pala para ilibing umano ang sanggol kayat kinuha ang susi ng motor at tumawag ng BPAT at hinuli ang mga ito.
Naturn over naman kaagad ang bangkay sa mga otoridad habang pinagkanulo naman ng 17 anyos ang karelasyon na 16 anyos na nagluwal ng sanggol at hinuli din sa ginawang krimen. Hawak na ngayon ng Municipal Social Welfare and Development Office ang dalawang suspek para isailalim sa counselling.