-- Advertisements --

Pumalo na sa 90 katao ang nasawi sa pananalasa ng hurricane Ian sa Florida.

Ayon sa Florida District Medical Examiners Commission na posibleng madagdagan pa ang bilang dahil sa patuloy ang giangawang search and rescue ng mga otoridad sa lugar.

Karamihan sa mga nasawi ay mula sa Lee County, Fort Myers, Sanibel at Pine Island.

Nakatakdang bumisita sa lugar si US President Joe Biden sa araw ng Huwebes para tignan ang kalagayan ng mga residente doon.

Umaani naman ng batikos ang mga otoridad mula sa residente dahil sa hindi sila nakatanggap ng advance warning para sila ay lumikas na.