-- Advertisements --

Iminungkahi ni Ang Probinsyano party-list Rep. Ronnie Ong sa Department of Education (DepEd) na iurong sa Setyembre o Oktubre ang pasukan ngayong taon.

Iginiit ni Ong na maari itong gawin matapos maisabatas ang iniakda niyang Republic Act 11480, na nagbibigay kapangyarihan sa Pangulo na ilipat ang petsa ng pasukan kapag nasa State of Emergency o Calamity ang bansa.

Dahil sa bagong batas na ito, hindi na aniya obligado ang DepEd na ipilit ang pasukan sa darating na Agosto upang sa gayon ay mabigyan din panahon ang mga estudyante na makapaghanda ng husto para sa blended learning approach.

“We crafted the law so that the DepEd is be relieved from the pressure of opening classes even when it is obviously not ready,” ani Ong.

“With this new law, we now have a leeway to prepare more and equip better both our learners and teachers. No more legal impediment for DepEd to postpone the opening of classes,” dagdag pa nito.

Ayon sa kongresista, mas mainam na gamitin mga araw sa susunod na buwan sa pagtitiyak na walang mag-aaral ang mapagiiwanan.

Maari rin aniyang gamitin ng DepEd ang panahon na ito para sa re-tooling ng mga guro at kanilang sistema para makapag-adapt sa new normal ng blended learning.

“With the newly-introduced blended learning method by DepEd, we still need ample time for the parents to prepare themselves to be equipped with this new method so that they can guide their children in this new approach,” giit ni Ong.