ROXAS CITY – Patay ang isang pastor matapos makuryente sa Barangay Poblacion Ilaya, Panay, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Patrick Ismael Bassig, 27-anyos na pastor ng Glorious Bible Baptist Mission, tubong Bicutan, Taguig City at pansamantalang nakatira sa bayan ng Panay.

Nabatid na inaayos umano ng biktima ang antenna ng kaniyang telebisyon nang biglang nasagi ng kawayan ang linya ang kuryente.

Nadamay din ang kasamahan nitong si Jerry Bermejo, 47-anyos, na tumulong sa kaniyang pag-aayos ng antenna.

Dinala sa ospital ang dalawa ngunit idineklarang dead on arrival si Bassig habang patuloy naman na ginagamot sa ospital si Bermejo.