Iniulat ng Department of Foreign Affairs na inaasahan nang manunumbalik na muli sa pre-pandemic level ang mga passport appointment sa bansa ngayong taong 2024.
Ayon kay DFA Secretary Enrique Manalo, ngayong taon ay posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga passport slots sa ahensya mula sa dating 2.5 million passport slots na nagbukas noong nakaraang taon.
Dagdag pa ng kalihim, sa ngayon ay wala nang backlogs ang ahensya para sa passport appointment kung kaya’t kumpiyansa ito na mabilis ang magiging proseso ng mga passport applications.
Samantala, kabilang banda naman ay tiniyak din ng DFA na mahigpit na babantayan ng mga consular offices ang mga dayuhang kukuha ng Philippine passport upang matiyak na hindi ito magagamit sa anumang uri ng mga ilegal na aktibidad.