Kinalampag ni Sen. Panfilo Lacson ang mga nangangasiwa sa pagbili ng COVID-19 vaccine para sa ating mga kababayan, na huwag lang ituon ang atensyon sa China-based Sinovac.
Ayon kay Lacson, kung maaaring bilisan ang proseso para sa Sinovac, dapat ganun din ang ginagawa para sa iba pang brand.
Nagtataka umano siya kung bakit ang ikalawang pinakamahal na klase ng bakuna, ngunit may mababang efficacy rate ang sentro ng atensyon ng pamahalaan.
“Can somebody explain why preference is given to the second most expensive vaccine, has lower efficacy, a record of suspended clinical trials and has not even applied for EUA over other vaccines that cost much less, more efficacious and are about to be granted their Emergency Use Authorization (EUAs)?” wika ni Lacson sa kaniyang Twitter post.
Kung kinikwestyon umano ang ilan sa pagiging mapili sa kukuning bakuna, dapat ganun din ang sabihin sa gobyerno na huwag maging mapili sa ipoprosesong bakuna para makapasok sa ating bansa.










