-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Suspendido na ang pasok ng mga eskwelahan sa lahat ng antas sa buong lalawigan ng Albay, Sorsogon at Catanduanes bilang paghahanda sa inaasahang paglapit pa ni bagyong Tisoy.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) – Bicol director Claudio Yucot, naglabas na ng abiso ang kanilang tanggapan sa mga residenteng nakatira malapit sa flashflood, landslide at lahar pone areas na lumikas.

Nakatutok daw ngayon ang OCD sa mga nakatira malapi sa bulkang Mayon dahil sa pinangangambahang pagbuhos ng volcanic materialis mula sa tuktok nito.

Kasama ng OCD ang pulisya at Philippine Coast Guard sa pagbibigay ngayon ng food packs sa mga apektadong pamilya.

Sa ngayon piniglan daw muna ng mga otoridad ang mga nakatakdang bumiyahe na sasakyang pandagat kaya marami ang pasaherong stranded sa pantalan.