-- Advertisements --

Iniulat ng pamunuan ng Department of Human Settlements and Urban Development na nagpapatuloy pa rin ang kanilang mga ginawang hakbang upang palawakin ang Pasig River Urban Development Project.

Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na ang susunod na phase ng Pasig Bigyang Buhay Muli Project  ay pinalawak pa aniya sa  Intramuros area sa lungsod  Maynila.

Ayon kay DHSUD Sec. Acuzar , ang proyektong ito at tiyak na makatutulong sa turismo.

Ito rin ay inaasahang makakapag ambag sa  lokal na ekonomiya sa lungsod ng Maynila.

Kung maaalala, personal na  pinangunahan ni Secretary Rizalino Acuzar ang pag inspeksyon sa konstraksyon ng naturang proyekto.

Kaugnay nito, inatasan na rin ng kalihim si Asec. Johnson Domingo at Architect Carlo De Castro na tutukang mabuti ang Pasig River Urban Development Project hanggang sa ganaop iting makumpleto . 

Ang nasabing proyekto ay batay sa Executive Order No. 35, na inisyu ng Pangulong Marcos Jr. 

Layon nitong manumbalik ang sigla ng isa sa makasaysayang anyo ng tubig ng ilog Pasig.