-- Advertisements --

Target ngayon ng pamahalaan na buhayin ang Pasig River na minsan ng idineklarang na biologically dead at isa sa pinakamaruming ilog sa buong mundo para gawing isang tourist attraction at epektibong laternatibong transportation hub sa Metro Manila.

Kaugnay nito, naglatag na ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ng plano para sa rehabilitasyon ng ilog.

Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na siyang chairman ng Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development (IAC-PRUD), ang nagpapatuloy na rehabilitasyon ay magiging sisimulan na dahil ang pangunahing layunin nito ay palakasin ang turismo at transportation connctivity sa rehiyon.

Ang nagpapatuloy na rehabilitasyon ay sa ilalim ng Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM) at nakakuha ng suporta mula kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at First Lady Liza Araneta-Marcos.

Layunin ng proyekto na matugunan ang isyu sa trapiko sa mga lungsod na nakapaligid sa ilog.

Mahahati sa 9 na sections na tatawid sa iba’t ibang siyudad sa metropolis na dadaan sa ilog mula manila bay patungong laguna de bay.