-- Advertisements --

Hindi ikinatuwa ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang naging asal ng isang sinibak na opisyal ng local government unit matapos kunin ang lahat ng gamit sa iniwang opisina.

Sa kanyang online post, ipinakita ni Sotto ang kalbo ng silid ng hindi pinangalanang city official na sinibak dahil umano sa mga kwestyonableng kilos at mapang-abusong ugali nito.

“The pictures show how some people treat the government like their private property.”

“Some of the most successful transitions in LGUs have come with minimal changes in personnel. But we will deal with the abusive as they deserve, and with the full force of the law,” ani Sotto.

Dahil dito, hinimok ng alkalde ang mga residente ng siyudad na i-report ang opisyal ng Pasig na mapapatunayang sangkot sa mga maling gawain o abusado sa pwesto.

Kung maaalala, nagbanta ang Department of the Local and Interior Government na kasuhan si dating Cebu City Mayor Tommy Osmeña matapos alisin at kunin ang lahat ng gamit sa loob ng kanyang opisina kasabay ng pagbaba sa pwesto noong Hunyo.