-- Advertisements --
Tiniyak hi Pasay Pasay City Mayor Imelda Rubiano na may sapat na tulong ang mga PNP stations sa kanilang nasasakupan para mapaganda ang pasilidad.
Ayon sa alkalde na pinatignan na niya ang mga jail facility ng PNP para hindi na maulit pa ang pagkatakas ng mga inmates.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay nakatakas ang 10 mga inmates sa Malibay PNP substation matapos na sirain ang kanilang kulungan kung saan naaresto rin ang mga ito.
Pinatiyak din sa kaniya ng PNP na hindi na mauulit pa ang nangyaring pagpuga ng mga inmates.