-- Advertisements --

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng narinig na mga putok ng baril sa loob ng isang selda ng Pasay City Jail nitong araw.

Batay sa ulat, pansamantalang ni-lock down ng mga opisyal ang male dormitory matapos ang insidente.

Pinaalis muna ng otoridad ang mga bisita dahil sa natukoy na tensyon.

Nakita rin kasi mula sa rehas ang ilang preso sa ikaapat na palapag na humihingi ng saklolo.

Ayon sa ilang bisita, narinig ang putok matapos ipagutos ng warden na ilipat ang ilang detainee dahil sa mga nakuhang kontrabando.