Mayroong mahigit 10.8 milyon pasahero ang bumiyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula Enero hanggang Marso.
Katumbas ito ng 158% na pagtaas ng bilang ng ng mga bumiyahe sa first quarter ng taon kumpara noong nakaraang taon sa parehas na buwan.
Ayon sa Manila International Airport Authority na mayroong kabuuang 10,855,332 pasahero ang naitala sa unang tatlong buwan ng taon kumpara noong nakaraang taon na mayroong 4,200,575 lamang.
Ang nasabing bilang naman ngayon ay mas mababa pa ng 6 percent kumpara noong pre-COVID-19 pandemic na mayroong naitalang mahigit 11 milyon na pasahero.
Itinuturing ni MIAA General Manager Cesar Chiong na kaya tumaas ang bilang ay dahil sa tuluyang pagbukas ng gobyerno ng borders at pagluwag ng travel restrictions.










