Taimtim na inaabangan ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang pagsasabatas sa lalong madaling panahon ng isang panukalang batas na magtatatag ng limang taong roadmap na naglalayong buhayin at gawing moderno ang industriya ng asin sa Pilipinas.
Ito’y kasunod ng ratipikasyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa final bersyon ng iminungkahing Philippine Salt Industry Development Act.
Sinabi ni Yamsuan na umaasa siya na ang panukala ay unti-unting mababaligtad sa kasalukuyang sitwasyon kung saan ang bansa ay nag-aangkat ng humigit-kumulang 92 porsiyento ng mga kinakailangang asin.
Punto ng Kongresista ang tanging layunin sa pag apruba sa nasabing panukalang batas ay gawin ang Pilipinas na self-sufficient sa asin at malaki ang pontensiyal nito na i-export sa ibang bansa.
Ilalim ng panukalang batas, magkakaroon ng suporta ang mga small salt producers at cooperatives para lalo pang palakasin ang kanilang produksiyon.
Sa sandaling maging ganap na batas ito, muling sisigla ang salt industry sa bansa at lumikha ng libo-libong mga trabaho partikular sa agricultur sector.
Malinaw din na nakasaad sa panukalang batas na exempted sa lahat ng taxes ang asin ito man ay processed or unprocessed dahil ito ay itinuturing na isang aquatic resource.