Suportado ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang pinaka bagong polisiya ng DILG na mag recruit ng mga babaeng public safety officers of mga tanods.
Ayon kay Yamsuan ang nasabing hakbang ni DILG Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. ay makakatiyak na mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng mga komunidad lalo na sa paghawak ng mga kaso na may kaugnayan sa mga kababaihan at kabataan.
Naniniwala si Yamsuan na magiging epektibo ang mga babaeng public safety officers sa pagtugon sa mga kaso kung saan ang mga kababaihan at mga bata ang biktima.
Pinuri ni Yamsuan ang nasbaing hakbang ni Secretary Abalos sa pagrecruit ng mga babaeng barangay tanods at napo promote ang gender equality at women empowerment.
Ipinunto ng mambabatas na bukod sa pag mantene sa peace and order ang mga tanods ay maaari din tumulong sa panahon ng mga emergency at kalamidad gay ng pagbibigay ng emotional support sa mga distressed women and children.
Ito ay bukod pa sa pagsasagawa ng rescue and relief operations ng mga lalaking tanods.
Binigyang-diin ni Yamsuan na sa panahon ng mga emergency ang mga babaeng tanods ay makakatulong sa pag secure sa mga biktima sa isang ligtas na lugar at agad na makapag contact sa mga local social welfare and development officer sa kanilang barangay.