Nananawagan si Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan sa mga kasamahang kapwa mambabatas na suportahan ang pagbuhay sa Bicol Express rain line, bilang testamento sa kanilang pangako sa mga istratehiya sa pagpapaunlad na nagpapalawak ng access sa mga oportunidad at resources para sa lahat ng Pilipino.
Binigyang-diin ni Yamsuan ang pagbuhay sa Bicol Express Lines na dating ino-operate ng Philippine National Railways mula Manila patungong Albay hindi lamang magsisilbing bilang economic driver subalit magsisilbing isang malakas na makina na magdugtong sa mga komunidad at makamit ang inaasam na pangarap habang pinapanatili ang pamana ng mga Bicolano.
Sa kaniyang privilege speech, nanawagan si Yamsuan sa mga kapwa house members na suportahan ang pagbuhay sa Bicol Express line kung saan maraming mga benepisyo at oportunidad ang naghihintay sa mga taga Bicol at maging sa karatig rehiyon.
Umaasa si Yamsuan na magkaisa ang mga mambabatas para maisulong ang isang napakalakin proyekto sa labas ng Metro Manila.
Muling ipinanawagan ni Yamsuan sa Department of Transportation (DOTr) na ikunsidera ang Public-Private Partnership (PPP) mode sa pagpapatupad ng nasabing proyekto.
Naniniwala ang kongresista na panahon na para ibalik sa mapa ang Bicol sa pamamagitan ng pagbuhay ng Bicol Express.
Itinutulak ng mambabatas ang implementation ng Phase 1 ng DOTr’s South Long Haul project, Kabilang dito ang muling pagtatayo ng linya ng Bicol Express mula Banlic sa Laguna hanggang Daraga sa Albay.
Aniya sa pagbuhay ng nasabing rail line project, inaasahang magkakaroon ng mahigit 5,000 trabaho habang ongoing ang construction.