-- Advertisements --

Kinondena ng Party-list Coalition ang pagkakatanggal kay 1-Pacman party-list Representative Michael Romero bilang isa sa mga deputy speakers ng Kongreso.

Sa gitna kasi ng mainit na agawan sa speakership post nina House Speaker Allan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Velasco, ay nagkaroon ng botohan ang ilang mambabatas para tanggalin sa kaniyang pwesto si Romero.

Ayon sa nasabing partido, ang posisyon na tinanggal mula kay Romeo ay hindi para sa mga mambabatas ngunit para sa buong Party-list bloc.

Abot langit aniya ang kanilang pagkadismaya sa hindi raw makatuwirang pagkakatanggal sa kanilang kasamahan na si Romero blang deputy speaker.

Kinukwestyon din nito ang naging proseso sa pagtanggal kay Romero dahil wala raw naganap na botohan.

Kalaunan ay pinalitan ni Capiz Representative Fred Castro si Romero bilang deputy speaker.

Si Romero ay kilalang supporter ng term-sharing agreement nina Cayetano at Velasco.