Mas lumakas pa ang puwersa ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa House of Reprsentatives.
Ayon kay PFP president and South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo, na mayroon na silang kabuuang 54 na mga miyiembro mula sa Kamara mula sa dating 38.
Dagdag pa nito na karamihan sa mga sumanib na mambabatas ay galing sa LAKAS-CMD party na pinangungunahan ni dating speaker Martin Romualdez.
Ang PFP ay siyang partido kung saan ang chairman ay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang mga bagong miyembro ay kinabibilangan nina Reps. Antonio Albano ng Isabela; Agatha Cruz, Salvador Pleyto at Mark Violago ng Bulacan; Mikaela Suansing ng Nueva Ecija; Zaldy Villa ng Siquijor; Patrick Michael Vargas ng Quezon City; Lordan Suan ng Cagayan de Oro; Miro Quimbo ng Marikina; Francisco Matugas ng Surigao del Norte at Joseph Tan ng Isabela.
Kabilang na miyembro sa partido ay sina Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos at Speaker Faustino Dy III.
















