Masayang ibinalita ng Department of Transportation (DOTr) ang mas maagang pag-arangkada ng MRT-Line 7 sa susunod ng taon.
Ayon kay Transportation Usec. Timothy John Batan, imbis na taong 2020 ay sa susunod na taon na o huling quarter ng 2021 inaasahan na magiging operational ang naturang linya ng tren.
Aminado ang opisyal na malaking hamon pa rin para sa kanila ang right of way pero sinisikap daw ng contractor at concessionaires para mapabilis ang mga kailangan sa proyekto.
“Isa po doon sa pinakamalaking challenges in implementing our infrastructure projects is really right-of way-acquisition.”
“Based on the availability noong right of way natin, at this point in time, on track tayo in achieving ‘yung partial operability target natin by 2021.”
Sa ilalim ng MRT-Line 7 project, extended na hanggang Bulacan ang biyahe ng naturang linya ng tren mula sa huling istasyon ng MRT-3 sa North EDSA.