Tiwala ang Commission on Elections (Comelec) na mailalabas ang partial at unofficial results para sa presidential at vice presidential elections pitong araw pagkatapos ng halalan sa Mayo 9
Inaasahan din ng poll body na mailalabas ang resulta ng senatorial election sa loob ng tatlong araw hanggang apat na araw matapos ang eleksyon.
Ang mga mananalo naman sa local elections ay posibleng ideklara ng Comelec ng mas maaga sa gabi ng Mayo 9. Kabilang dito ang mga alkalde, bise-alkalde at miyembro ng municipal councils sa mga munisipalidad na may maliit na populasyon ng mga botante habang bahagyang matatagalan naman sa mga siyudad na may malaking bilang ng mga botante.
Ang mga mahahalal naman na gobernador , vice governor at provincial board memebers ay malalaman na sa araw ng halalan matapos ang botohan habang ang mga mahalal naman na Congressmen ay inaasahang mailalabas sa susunod na araw, Mayo 10.
Ito ang inihayag ng poll body kasabay ng pagtatapos ng kanilang paghahanda para sa halalan sa araw ng Lunes.
Ayon kay Commissioner George Garcia, ang proklamasyon ng mananalong pangulo ay isasagawa sa unang linggo ng Hunyo.
Aniya, mas magiging mabilis din ang canvassing ng mga balota sa eleksyon ngayong taon matapso na maayos ng Comelc ang naging dahilan ng 7hour delay na nangyari noong 2019 midterm ballot dahil sa backlog.










