-- Advertisements --

May ilang bagay na ipapa-online bidding ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda bilang tulong sa pagpapagamot ng kanilang gitarista na si Gab Chee Kee.

Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng larawan ng isang polo na isinuot niya sa video ng kantang “Bagsakan” kasama ang rapper na si Gloc 9 at ang namayapang rapper na si Francis M.

Kasama rin na ipapa-online bidding niya ang puppets na si Mr. Suave at Chito Matsing na makikita sa “Halina sa Parokya” album noong 2005.

Dagdag pa nito na naghahanap pa ito ng bagay na maaring ipasubasta hanggang nakita niya ang nasabing dalawang bagay na mayroong halaga sa kaniya.

Magugunitang ilang mga benefits concert ang isinagawa ng mga banda para matulungan ang gitarista ng Parokya na nasa ICU dahil sa lymphoma.