-- Advertisements --

Kinumpirma ng parliamento sa Sri Lanka ang pagbibitiw sa puwesto ni President Gotabaya Rajapaksa.

Ayon kay Speaker Mahinda Yapa Abeywardena, na hinihintay lamang nila ang resignation ng kanilang pangulo.

Nakasaad kasi sa kanilang konstitusyon na makokonsidera lamang na nagbitiw ang pangulo kapag tuluyang matanggap ng Speaker of the Parliament ang kaniyang resignation letter.

Nauna ng lumipad gamit ang military plane si Rajapaksa kasama ang kaniyang first lady na si Ioma patungong Maldives.

Magugunitang sumiklab ang kilos protesta sa nasabing bansa dahil sa nararananasng krisis sa ekonomiya.