-- Advertisements --

Sinunog ng buhay ang isang pari ng Simbahang Katolika sa northwestern Nigeria.

Dinukot ng mga armadong suspek ang limang mga mananampalataya sa magkahiwalay na pag-atake sa Kafin-Koro villgage.

Ayon sa mga kapulisan na ang grupo na kinilala bilang mga “bandits” ang nagsunog ng buhay kay Father Isaac Achi.

Maging ang bahay ng pari ay kasamang sinunog din ng mga armadong suspek.

Binaril pa kaya nasugatan ang isa pang pari na kinilala lamang si Father Collins ng magtangka itong tumakas.

Dinala ni Father Collins sa pagamutan ang nasunog na pari subalit hindi na ito nabuhay dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Sinunod na nilusob ng mga suspek ang isang Christian home sa Dan Tsauni village at dito dinukot nila ang limang katao.

Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang mga tumakas na suspek.