NAGA CITY – Sugatan ang dalawang katao sa karambola ng tatlong motorsiklo sa Barangay Lower Sta. Cruz, Ragay, Camarines Sur.
Kinilala ang mga biktima na sina Rev. Fr. JC Omar Socrates II, 47-anyos na Parish Priest ng Malilipot; at Salvador Artuz, 62-anyos.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang papunta sa Ragay Proper ang sasakyan na minamaneho ni Artuz nang aksidente nitong nabangga ang sasakyan na minamaneho naman ni Rev. Father JC Omar hanggang sumalpok pa ito sa isang nakaparadang sasakyan.
Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa katawan ang motorista at ang pari na agad namang itinakbo sa ospital.
Sa ngayon nagpapatoloy ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.