-- Advertisements --

Lalo pang lumakas ang bagyong may international name na “Rai,” habang papalapit sa Pilipinas.

Ayon sa Pagasa, nasa severe tropical storm category na ito at posibleng umabot pa sa typhoon level bago ang pag-landfall sa Visayas o Mindanao.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 95 kph at may pagbugsong 115 kph.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,165 km sa silangan ng Mindanao.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 30 kph.