-- Advertisements --

Katawa-tawa raw ang naging paratang ng PNP sa Communist Party of the Philippine na sila ang nasa likod hakbang ng United Nations (UN) Human Rights Council na imbestigahan ang drug war sa Pilipinas.

Sa statement na inilabas sa website ng National Democratic Front of the Philippines, mariing itinanggi ng rebeldeng grupo ang alegasyon at malinaw anilang imbento lamang.

Tinawag din nila na kamangmangan ang paratang para maitago ang katotohanan.

Nagpahayag naman ng suporta ang CPP sa resolution ng ilang members state ng UNHRC at nagsabing ang serye ng pagpatay sa mga drug suspect ay isang paraan na ginagamit din sa mga tumututol at humihingi ng hustisya.

Una rito, binatikos ng mga otoridad ang pagiging aktibo raw ng ilang mga kaalyadong grupo ng CPP sa social media at dito nila binatikos ang pinuno ng PNP ng si General Oscar Albayalde sa kanyang naging pahayag kontra sa naturang grupo.