-- Advertisements --
Naglabas ng pahayag ang bandang Paramore matapos ang naganap na pang-aabuso sa kanilang concert.
Sa kasagsagan kasi ng kanilang concert sa Salt Lake City sa Utah ay isang lalaki mula sa audience ang pisikal na nanakit at pinagmumura ang mga ilang mga kababaihan doon.
Mabilis naman pinalabas ng mga nakatalagang guwardiya ang lalaki.
Ayon sa banda na hindi nila alam na mayroong ganun na pangyayari at hindi nila makita ito mula sa stage.
Sakaling nakita nila ang pangyayari ay agad nilang ititigil ang nasabing konsiyerto.
Pagtitiyak nila hindi nila kinokonsinti ang anumang uri ng pang-aabuso at pananakit.
Humingi na lamang sila ng paumanhin sa mga naapektuhan ng lalaki.