-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Inilarawan ni Lawrence Valmonte, Bombo International News Correspondent sa Qatar kung paano isiniselebra ang Undas sa naturang bansa.

Aniya, hindi naman nalalayo ang pagdaraos nito kung ikukumpara sa Pilipinas dahil mayroon ding mga sementeryo para sa mga Kristyano.

Ang tanging kaibahan lamang aniya, hindi sila pinahihintulutang magtirik ng kandila sa paligid ng kani-kanilang mga bahay.

Wala rin aniyang trick or treat na nagaganap sa nasabing bansa.

Samantala inilarawan din ni Nene Sylvain, Bombo International News Correspondent mula naman sa Haiti na sa kaniyang pinagtatrabahuang bansa ay mayroong isinasagawang special rituals para sa kanilang namayapang mahal sa buhay.

Kabilang dito ang kanilang tinatawag na voodoo dancing na kanilang isinasagawa tatlong araw bago ang undas kung saan mayroon silang ginagamit na simbolo upang umano’y tawagin ang atensyon ng mga yumao.