-- Advertisements --
Pumapasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang typhoon Josie na may international name na Nanmadol.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), maaaring makumpleto ang pagpasok ng sirkulasyon ng bagyo sa ating teritoryo mamayang hapon.
Batay sa bagong data, nagpapakita na ng posibilidad na ang papalapit na bagyo ay magiging super typhoon.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,500 km sa silangan hilagang silangan ng extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 140 kph at may pagbugsong 170 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 15 kph.