-- Advertisements --
Inaasahan ang malawak na epekto ng tropical cyclone Surigae o tatawaging bagyong Bising, kapag nakapasok na sa Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa Pagasa, dahil sa laki ng bagyo at lakas ng dala nitong hangin at ulan, maaaring mapinsala ang Eastern Visayas, Bicol at iba pang parte ng ating bansa, kahit walang maging landfall ang sentro nito.
Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,140 km sa silangan ng Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 95 kph at may pagbugsong 115 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pahilaga hilagang kanluran sa napakabagal na pag-usad.
Habang nananatili sa dagat, mas malaki umano ang tyansa nito na lalo pang lumakas hanggang sa typhoon category.










