-- Advertisements --

Lumakas pa ang bagyong may international name na Nanmadol, habang papalapit sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), nasa tropical storm category na ang naturang sama ng panahon.

Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 1,945 km sa silangan ng extreme Northern Luzon.

May taglay itong lakas ng hangin na 85 kph at may pagbugsong 105 kph.

Kumikilos ang bagyo nang napakabagal patungo sa pahilagang silangan na direksyon.

Hindi pa rin ito inaasahang magla-landfall sa alinmang bahagi ng Pilipinas.