CAGAYAN DE ORO CITY – Iniimbestigahan na ng Ozamiz City Police ang ulat hinggil sa sinasabing sabwatan ng ilang opisyal ng Public Attorney’s Office (PAO) at Parole and Probation Office (PPO) sa pagtutulak ng iligal na droga.
Ayon kay Ozamiz City PNP director Maj. Jovie Espenido, agad umamin ang isang warrant server ng Regional Trial Court Branch 15 na si Rolando Ruiz ang pangalan ng mga opisyal na sangkot din umano sa pagbebenta ng illegal drugs sa loob ng nasabing mga tanggapan.
Naglabas na raw ng memorandum ang pulisya sa PAO at PPO officials na sinasabing sangkot sa akusasyon para sumuko ang mga ito hanggang September 8.
Nagbanta pa ang police official na idadaan sa public shaming ang pag-aresto sa mga inaakusahan kapag hindi nagboluntaryong sumuko sa pulisya.