-- Advertisements --

Isinasapinal pa ng Department of Tourism (DOT) ang panuntunan na susundin sa pagpapayabong ng domestic tourism sa gitna ng tinatawag na “new normal” bunsod ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat na patuloy silang nakikipag-uganayan sa Department of Interior and Local Government (DILG) at mga lokal na pamahalaan pagdating sa domestic tourism.

Magmula nang ipinatupad ang lockdown noong Marso dahil sa COVID-19 pandemic, isa ang sa mga sektor na matinding tinamaan ay ang tourism industry.

Kaya naman para makabangon ang industriya, sinabi ni Puyat na prayoridad nilang i-promote ang domestic tourism sa pamamagitan ng inter-island travel.

Pero iginiit ng kalihim na nais nilang dahan-dahan na gawin ito para na rin maiwasan ang second-wave ng surge sa COVID-19 cases.

Iginiit ni Puyat na kaakibat ng kanilang mga hakbang ay ang ibayong pag-iingat para maiwasan mauwi sa wala ang pagsisikap ng pamahalaan sa mga nakalipas na buwan sa gitna ng laban kontra COVID-19.