Maraming paraan para makatipid ng pondo ang gobyerno at ang panukalang rightsizing sa government bureacracy ay hindi tugon sa nararanasang economic crisis ng bansa.
Binatikos ni ACT Teachers Representative France Castro ang Department of Budget Management (DBM) hinggil sa panukalang rightsizing government sa mga ahensia ng gobyerno para makalikom ng pondo kasunod ng nararanasang krisis sa ekonomiya ng bansa.
Ayon sa teacher solon ang planong rightsizing ay magkakaroon ng negatibong epekto gaya ng massive layoffs, retrenchment, displacement, at lalong magpapalala sa contractualization.
Sinabi ni Castro kung pondo ang kailangan para makalikom, kolektahin ang tamang buwis, singilin ang P203 billion na utang ng pamilya Marcos sa sambayanan.
Maari din na buwagin ang NTF ELCAC na may malaking budget na inilalaan para dito.
Paghuyasin din ang koleksyon ng buwis at habulin ang mga ‘di nagbabayad.
Maari ring isabatas ang wealth tax para sa mga super na mayayaman na makatulong ng mas malaki sa kaban ng bayan.
Binigyang diin ng mambabatas na sa pamamagitan ng nasabing panukala, ang mga ahensya ng gobyerno ay kukuha ng mas maraming mga tauhan sa mga contract of services (COS) at job orders (JO) na hindi maituturing na mga empleyado ng gobyerno at hindi babayaran ng mga suweldo at walang job security.
Batay sa inventory ng Government Human Resources, nuong August 31,2021 na mayroong 582,378 job order personnel mula sa 2,337,802 na empleyado ng gobyerno. Kabilang sa mga nangungunang ahensyang may pinakamaraming JO at COS ay ang DPWH, DOH, DepEd, DENR at DSWD.
Binigyang-diin ni Castro na batid ng Department of Budget and Management na ang panukalang ito ay makakaapekto sa 2 milyong empleyado ng gobyerno.
Nais kasi ng ahensya na makatipid ng P14 bilyon kapalit ng mga trabaho at security of tenure ng 2 milyong Pilipino na maaapektuhan ng nasabing panukala.
Dagdag pa ni Castro na hindi dapat hayaan na lumobo pa ang bilang ng walang trabaho lalo na ngayong panahon na sobra-sobra ang hirap ng mga Pilipino dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin.
Samantala, suportado din ng Act Teachers Partylist ang full face to face classes na isinusulong ng DepEd gayunpaman nababahala ito sa inilabas na DepEd Order 34 s. 2022 kaugnay sa School Calendar of Activities para SY 2022-2023.
Sinabi ng mambabatas na wala ng pahinga ang mga guro dahil batay sa DepEd order ang mga petsa ng paghahanda para sa taong ito na magsisimula sa July 25 para sa Enrollment, August 1-26 para sa Brigada Eskwela at Oplan Balik Eskwela sa August 15.
Ayon kay Castro bukod sa mga guro na walang pahinga, kulang pa rin ang paghahanda para sa pagbabalik ng full face to face classes.
Aniya, dapat magpatupad pa rin ng minimum public health standards sa loob ng eskwelahan at walang mangyayaring diskriminasyon sa mga estudyanteng may bakuna at hindi pa nabakunahan.