Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7407 o People’s Participation in the National Budget Process Act.
Inaprubahan ng mga kongresista ang naturang panukala sa boto na 200 na Yes at zero na No.
Isinusulong ng panukalang batas na ito ang pagkakaroon ng transparency sa proseso ng pagtalakay at pagapruba ng budget.
Ayon kay House Committee on People’s Participation San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes, sa panukalang ito ay magkakaroon ng boses ang publiko kung paano dapat gastusin ang pondong ipinapasa ng Kongreso
Nakasaad sa House Bill 7407 na gagawing participatory ang proseso, kung saan papayagan na makalahok sa deliberasyon ng pambansang pondo ang mga grassroots organizations.
Pinapahintulutan din nito ang pagbibigay ng desisyon ng publiko sa proseso sa pag-apruba ng panukalang pondo.
Makakatanggap ng notices ng hearings, papadalhan ng budget documents at magsusumite rin ng sariling proposals ang mga accredited civil society organizations na lalahok sa budget preparation ng mga ahensya ng gobyerno.
Uupo rin sila bilang resource persons sa budget deliberations sa Kongreso at mag-oobserve sa bicameral conference committee meetings.