-- Advertisements --

Kailangang masusing pag-aralan ang panukala ni presumptive president Ferdinand Bongbong Marcos Jr, na P20 hanggang P30 kada kilo na presyo ng bigas ayon sa Department of Trade and Industry ( DTI).

Inihayag ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na posible na maipababa ang presyo ng bigas sa naturang presyo pero ito ay dapat na mapag-aralan muna.

Aniya, noong 2018 pinag-aralan na rin ng ahenisya ang presyo ng bigas at itinakda ito sa presyo na P35 ito ay sa inisyatibo na rin ng DTI sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture.

Sa kasalukuyan, lumalabas sa latest available data ng DA na ang local commercial rice price sa Metro Manila ay pumapalo mula P38 hanggang P50 kada kilo habang ang imported commercila price ng bigas ay mula P37 hanggang P52 kada kilo depende sa klase ng bigas.