Pinag-aaralan ngayon ni Iligan City Rep. Frederick Siao ang panukalang obligahin ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan na mag-commute gamit ang pampublikong transportasyon ng kahit isang beses sa isang linggo.

Sinabi ni Siao na maghahain siya ng panukalang batas na mag-oobliga sa mga elected officials, cabinet members at division chiefs na mag-commute gamit ang tricycles, jeepneys, buss at trains kada Lunes para makatulong sa pagpapababa ng bilang ng mga pribadong sasakyan na dumadaan sa mga ma-traffic na lugar.

Iginiit ni Siao na sa pamamagitan nang paggamit ng public transport, maipapabatid aniya sa mga public officials ang lingguhang pagdurusa ng mga mananakay sa pagbiyahe.

Kahapon, inabot ng halos apat na oras si Presidential Spokesperson Salvador Panelo bago makarating sa Malacanang mula Marikina.

Ito ay kanyang tugon sa hamon ng mga makakaliwang grupo para ipakita sa mga ito na walang transport crisis sa bansa.