-- Advertisements --

Sinimulan ng talakayin sa plenaryo ng House of Representatives ang House Bill 8969 o MUP Pension Reform Bill.

Pinangunahan ni House Ad Hoc Committee on MUP Pension System Chair at Albay Representative Joey Salceda ang sponsorship para sa nasabing panukala.

Binigyang-diin ni Salceda na mismong si Pang. Ferdinand Marcos Jr ang humiling para magkaroon ng isang MUP pension system.

Naniniwala naman si House Committee on Defense Chair Raul Tupas, na ang panukalang nabuo ng Ad Hoc Committee ay patas at makatwiran para sa pagsusulong ng matatag na sistema ng pensyon para sa aniya’y “heroes at heroines.”

Ilang mahahalagang probisyon ng panukala ang tiyak na 3% na taas-sweldo para sa MUPs kada taon sa loob ng 10-taon; adjustment sa mandatory retirement age na 57-taong gulang mula sa 56; “contributory scheme” at pagbuo ng MUP Trust Fund.

Pinasisiguro din ng Chief Executive na walang epekto na mararamdaman sa mga nasa uniformed services.

” Your Honors, the fiscal sustainability of the current MUP pension system has long been an outstanding issue. The annual appropriations allocated to the current MUP pension system have significantly increased over the years. From a pension fund appropriation of P64.2 billion in 2014, the budget has increased to P128.6 billion in 2023, a growth equivalent to 101%,” pahayag ni Salceda.

Paliwanag pa ni Salceda na ang sistema ng pensyon ay ini-index sa suweldo ng mga aktibong tauhan na taliwas sa karaniwang kaugalian ng paggamit ng pinakamataas na suweldo bilang batayan para sa pagreretiro o ang serbisyo ng Pamahalaan at sistema ng paggamit ng karaniwang buwanang suweldo na natatanggap ng isang empleyado ng gobyerno sa panahon ng huling tatlong.

Ang indexation ay naging mas hindi sustainable noong 2018, nang inaprubahan ni Pangulong Duterte ang pagtaas ng base salaries ng mga aktibong tauhan na dumoble sa suweldo ng MUP at pension ng mga retirees.

Gayunpaman, ang epekto ng automatic salary indexation ay nabawasan para sa simula sa 2020 dahil hindi nagtaas ng sahod sa MUP sina Pangulong Duterte at Marcos.

Ang average na taunang pagtaas ng suweldo ay ibinaba sa isang mas sustainable na 8.47% at tataas sa humigit-kumulang 6.5% hanggang sa katapusan ng termino ni Pangulong Marcos kung walang pagtaas ng suweldo ng MUP.

Dahil dito, dapat ding bumaba ang mga pagtatantya ng actuarial reserve deficiency para sa MUP pension mula sa orihinal na P9.6 trilyon.