-- Advertisements --

Inaprubahan na ng House Committee on Disaster Resilience ang panukalang batas na magtatag ng national emergency stockpile of food, medicines, at mga basic commodities na agad na maipamahagi sa panahon ng emergencies and disasters.

Lusot na rin sa komite ang House Bill 5245 na naglalayong magtatag ng calamity food banks sa bawat probinsiya o siyudad sa buong bansa bilang parte sa disaster preparations.

Nakasaad sa ilalim ng House Bills 3121 at 3782 na ang mga emergency-related goods ay dapat mayruong shelf life ng nasa dalawang taon.

Ang mga nasabing mga goods ay ilalagay sa central repository na tinukoy ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), batay sa isanagawang konsultasyon Department of National Defense (DND), Department of Health (DOH), Department of Agriculture (DA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at iba pang mga government agencies.

Ayon kay Committee on Disaster Resilience Chairman at Dinagat Island Representative Alan Ecleo na ang Pilipinas ay regular na tinatamaan ng kalamidad gaya ng bagyo at lindol na batay sa isang pag-aaral ang bansa ay isa sa most disaster-prone country sa buong mundo.

Kabilang sa calamity food bank ay ang reserve food, water, at iba pang mga essential goods gaya ng portable power sources, first-aid kits, portable light sources, clothing, tents, at communication devices.

Sa nasabing panukala ang inter-agency effort ay pangungunahan ng NDRRMC at ng DSWD.

Huhugutin ang pondo mula sa General Appropriations Act na siyang gagamitin para sa nasabing panukalang batas.

Habang ang substitute bill para sa nasabing panukala ay ipapadala sa House Committee on Appropriations para sa gagawing kunsiderasyon.