Isinusulong ni House Ways and Means Committee chairman Joey Salceda ang panukalang magtataas sa road user’s tax.
Sa isang ambush interview sa Kamara, sinabi ni Salceda na kailangan magkaroon na ng adjustment sa road user’s tax dahil 15 taon na itong hindi nababago.
Iginiit ng kongresista na ang Motor Vehicle Users’ Charge (MVUC) ay hindi nabago kahit pa bumilis ang inflation rate ng hanggang 91 percent.
Batay sa mungkahi ni Salceda, paunti-unti ang increase na gagawin sa MVUC sa loob ng tatlong taon, at pagkatapos nito ay magkakaroon naman minimum fee batay sa bigat ng sasakyan.
Ang lowest tiered vehicle ay magkakaroon ng P2,300 increase na MVUC mula sa kasalukuyang P1,600.
Exempted naman dito ang mga motorcycles at tricycles.
Sinabi ni Salceda na magkaiba ang kanyang mungkahi sa isinusulong naman ng Department of Finance na aabot ng hanggang P33,000 ang babayarang MVUC ng mga may-ari ng sasakyan.