Panukalang magbibigay ng kapangyarihan kay Duterte para suspendihin ang SSS contribution hike, pasado na sa 3rd reading ng Kamara
Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang gagawad ng kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte para magpatupad ng temporary suspension ng scheduled hikes sa members’ contribution ng Social Security System.
Ito ay matapos na 228 kongresista ang pumabor, habang anim naman ang tumutol sa House Bill No. 8512.
Layon ng panukalang batas na ito na amiyendahan ang Section 4 A.9 ng Social Security Act of 2018 para ipagpaliban ang 13% hike sa share ng mga e,plyer at empleyado.
Sa ngayon, 12% ang SSS contribution ng employer at manggagawa nito.
Nakasaad din sa panukala na maaring suspendihin ng Pangulo ang premium hike kapag mayroong national emergencies.










