Lusot na sa House Committee on Health ang panukalang batas na nagpapahintulot sa pag-iimbak ng mga bakuna, kabilang na ang para sa COVID-19, at iba pang mga gamot at medical supplies.
Inaprubahan ng komite ang House Bill No. 6995, na iniakda mismo ng chairman ng House panel na si Quezon Rep. Angelina Helen Tan.
Iginiit ni Tan na malaki ang epekto ng pandemya sa global at local production, maging sa distribution, pati na rin sa supply ng raw materials, active pharmaceutical ingredients, excipients, packaging materials at finished medical products na kailangan sa paglaban sa COVID-19 at iba pang mga sakit.
Mahalaga aniya na palakasin ng bansa ang kahandaan nito sa mga pandemiya at natural disasters, lalo pa at prone sa mga kalamidad bunsod ng geographical location.
Sinabi ni Tan na layon ng kanyang panukalang batas na maprotektahan ang public health sa pamamagitan nang pagtugon sa problema sa access sa mga gamot, bakuna, devices at materials sa panahon ng public health emergency.
Ito ay sa pamamagitan nang pag-iimbak ng mga critial at strategic pharmaceuticals at medical supplies.
Sa ilalim ng kanyang panukala, bubuo ng Stockpiling Bureau sa Department of Health (DOH) na mangangasiwa sa pagtitiyak ng transparent, fair, proactive, innovative procurement service para sa kagawaran.