Inaprubahan na ng House committees on government reorganization at disaster management ang panukalang lilikha ng Department of Disaster Resilience (DDR).
Ang inaprubahang panukala ay “consolidation” ng nasa 30 panukalang batas na inihain sa Kamara na layong magtatag sa naturang kagawaran.
Nauna na itong inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa noong 17th Congress subalit bigong makalusot sa Senado ang counterpart version nito.
Sa ilalim ng bagong House Bill, ang DDR ang magiging pangunahing ahensya na siyang tututok at may pananagutan sa tuwing mayroong sakuna o trahedya sa bansa mula sa prevention hanggang sa rehabilitation.
Pamumunuan din ito ng isang kalihim, mga undersecretaries, assistant secretaries at directors.
Ayon kay Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, isa sa mga pangunahing may-akda ng panukala, ang bagong kagawaran na ito ay mangangailangan ng initial budget na P10 billion.
Sa halip na gawing “attached agencies” ng kagawaran na ito ang PHIVOLCS (PhilippinesPhilippine Institute of Volcanology and Seismology), Geo-Hazard Assessment and Engineering Geology Section ng Mines and Geosciences Bureau (MGB), at Bureau of Fire Protection, ay magkakaroon na lamang ng mga kinatawan sa DDR dahil sa papairalin na “joint operational supervision” provision.
Nakasaad din dito na ang Office of Civil Defense pa rin ang magiging “core organization” ng DDR at hahawakan din ang trabaho ng Climate Change Commission Office, Health Emergency Management Bureau ng Department of Health, Disaster Response Assistance at Disaster Response Management Bureau ng Department of Social Welfare and Development.
Sinabi ni Salceda na magkakaroon ng National Disaster Resilience Fund ang DDR kung saan tanging 20% ng resources ang maaring gamitin para sa quick response o stand-by fund, habang ang natitirang 80% climate change adaptation, disaster risk and vulnerability reduction and mitigation, disaster risk transfer, disaster preparedness, recovery, rehabilitation at anticipatory adaptation.
Itinatakda rin ng panukala ang pagkakaroon ng Disaster Resilience Support Fund na ilalaan lamang para sa amitin ng third hanggang 6th class na mga probinsya at bayan sa planning, implementing, monitoring at evaluation ng kanilang mga programa, proyekto, at aktibidad para sa limate change adaptation, disaster risk prevention and mitigation, disaster risk transfer, at disaster preparedness.