-- Advertisements --

Hindi suportado ng Department of Health (DOH) ang panukalang ibalik ang random antigen testing sa public transportation sa gitna ng pagkakatala ng bagong Omicron subvariants sa bansa.

Paliwanag ng DOH na madedetect lamang ang naglitawang bagong omicron subvariants sa pamamagitan ng pagsasailalim sa genome sequencing sa samples na nakolekta mula sa RT-PCR test.

Kayat hindi kayang madedetect ang virus lineage mula sa antigen samples.

Ginawa ng DOH ang naturang paglilinaw kasunod ng proposal ng OCTA research fellow Dr. Guido David bilang parte ng hakbang para makita ang tunay na bilang talaga ng dinadapuan ng covid-19 sa bansa.

Magugunita na nagpatupad na noon ang Department of transportation ng random antigen testing sa mga pasahero para mapigilan ang hawaan ng virus noong Enero ng taong kasalukuyan.

Sa panig ng DOH, patuloy pa rin ang kanilang paalala na sa pamamgitan ng pagbabakuna at pagpapabooster ay maiiwasan ang severe at critical at kamatayan mula sa sakit.