-- Advertisements --

Isinusulong ni newly appointed National Police Commission Vice Chairman and Executive Officer,Vitaliano Aguirre II na gawing independent office or agency ang Internal Affairs Service (IAS) at ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Philippine National Police (PNP).


Paliwanag ni Aguirre, layon nito para maiwasan na maging under pressure ang dalawang units lalo na sa pagsasagawa ng imbestigasyon.


Ayon kay Aguirre ang SOCO ay susceptible sa pressure gaya ng pulitika at maging sa higher ups ng PNP leadership.


Aniya, ng mabatid nito na itatalaga siya sa Napolcom, kaniya ng pinag aralan ang sistema sa PNP.


Nakipagpulong din si Aguirre sa mga retired sa mga Crime Scene Investigator mula pa sa United States kung saan sinabihan siya ang kahalagahan sa pagiging independent ng IAS at SOCO.


Ang nasabing dalawang units ay vulnerable sa pressure.


Inihayag ni Aguirre na hihilingin din nito ang opinyon ng Napolcom En Banc kaugnay sa nasabing asunto.


Kabilang din sa tututukan ni Aguirre na malayo ang PNP mula sa political pressure lalo na sa appointment ng mga police officers bilang chief of police at provincial directors.


Nais ni Aguirre na dumistansiya na ang mga pulitiko sa pagpili ng mga itatalagang hepe ng pulisya sa kanilang mga lugar.


Isa sa mga batas na nais niyang mabasura ay ang nagtatakda na ang PNP ay dapat magsumite sa mga Mayors at Governors ng tatlong pangalanan upang pagpiliang maging chief of police at Provincial Director.