-- Advertisements --

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na gumagawad kay Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang nakatakdang pagtaas sa member’s contribution ng PhilHealth.

Sa botong 227 na Yes, anim na No, at zero abstention, inaprubahan ng Kamara ang House Bill No. 8461.

Layon ng panukalang ito na amiyendahan ang Universal Health Care law, na nagbibigay direktiba naman sa PhilHealth para taasan ang premium nito.

Patikular na aamiyendahan ang Section 10 ng batas kung saan nakatakdang tumaas ng 3.5% ang premium rate contribution sa mga Philhealth member ngayong 2021.

Sa kasalukuyan 3% ang premium ng PhilHealth.

Base rin sa panukala, ipapatupad ang suspension sa premium ng PhilHealth sa tuwing mayroong national health emergencies.