-- Advertisements --

MANILA – Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na naglalayong bigyan ng dagdag na benepisyo ang mga solo parent.

Sa ilalim ng ipinasang House Bill No. 8097, nakasaad na may 10% discount at 12% exemption sa value added tax (VAT) ng mga gatas at diaper ng mga batang tatlong taong gulang pababa, ang mga mga kwalipikadong solong magulang.

Bukod dito, may discount din sa damit, gamot, bakuna, pati na medical at dental services ng mga mga batang 6-years old pababa ang edad.

Nakapaloob din sa panukalang batas, na kung ang solo parent ay kumikita ng wala pa sa P21,000 kada buwan ay dapat may diskwento ang kanyang anak sa mga gamit pang-eskwela hanggang tumuntong ito ng 21-years old.

Ayon sa House Bill, dapat bayad ang pitong araw na leave ng solo parents lalo na kung sila ay higit anim na buwan nang empleyado sa pinagta-trabahuang employer.

Sa ngayon, nakabinbin pa sa plenaryo ng Senado ang counterpart bill na layunin ding mabigyan ng dagdag na benepisyo ang mga magulang na solong nagpapalaki ng kanilang anak.