Panahon na para bumuo ng Philippine Virology Agency para maging pandemic resilient ang bansa.
Ito ang binigyang-diin ni House Deputy Speaker Camille Villar.
Sa panukalang batas na inihain ng mambabatas ang House Bill 5683 o Virology Institute of the Philippines Act of 2022, layon nito na mapaghandaan ng bansa ang mga kinahaharap na public health emergencies.
Ayon kay Rep. Villar, sa sandaling maisabatas, magkakaroon ng sapat na mekanismo at kahandaan ang ating bansa sa pagtugon sa panibago o posibleng pandemya.
Paliwanag ni Villar, nagsilbing eye opener ang Covid-19 pandemic para palakasin ang ating healthcar system at maging handa para maiwasan ang malubhang epekto sa kalusugan at kabuhayan ng mga Pilipino.
Sa ilalim ng panukala, ang virology institute ay isasailalim sa Department of Science and Technology at tututukan nito ang research o pag-aaral na may kinalaman sa mga virus at viral diseases na nakakaapekto sa tao, hayop at mga halaman.
Dagdag pa ni Villar, dapat may koordinasyon ang institute sa mga eksperto sa abroad para sa mga makabagong pag-aaral at development ng mga bagong treatment at mga bakuna.