-- Advertisements --

Pasado na sa Mababang Kapulungan ang panukala para bigyan ng tech-voc at livelihood training ang mga rehabilitated drug dependents matapos suportahan ng 260 na kongresista.

Sa ilalim ng House Bill 7721, ang TESDA at Department of Labor and Employment (DOLE) ang bubuo ng program na magbibigay ng TVET at livelihood program sa rehabilitated drug dependent.

Sa paraang ito ay malilinang ang kanilang kasanayan at magkaroon ng pagkakataon na makapasok sa trabaho o makapagsimula ng sariling hanapbuhay.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, marami sa mga naging biktima ng ipinagbabawal na gamot ang nakapagbagong buhay na, ngunit hirap pa rin sa paghahanap ng trabaho dahil sa stigma at kawalan ng kasanayan.

Ang mga kompanya naman na kukuha ng mga dating drug dependent na sumailalim sa TVET at livelihood program na ito ay bibigyan ng insentibo.