-- Advertisements --

Inihain sa Mababang kapulungan ng Kongreso ang isang panukalang batas na naglalayong patawan ng mas mabigat na kaparusahan ang mga law enforcer na pinagtatakpan ang mga iregularidad sa drug trafficking at iba pang heinous crimes.

Ito ay ang House bill 7972 na inihain ni Bicol Saro Party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan na layong amyendahan ang Article 19 ng Revised Penal code para maisama ang isang section kaugnay sa mga indibidwal na nasa kapangyarihan na umaakto bilang accessories sa paggawa ng heinous crimes o ang mga direktang nag-utos ng pagsira o pagtatago ng mahalagang ebidensiya.

Ayon pa kay Yamsuan, kasalukuyang ipinapatupad ng Penal code ang penalty na maximum na 12 taong pagkakakulong para sa mga person in authority na nagsilbing accessories sa paggawa ng heinous crimes pero sa ilalim ng kaniyang itinutulak na panukala ay papatawan ng reclusion perpetua temporal o pagkakakulong ng 12 hanggang 20 taon ang mga ito.

Batay sa Republic Act 7659, sinabi ni Yamsuan na kabilang sa heinous crimes ay ang importasyon, distribusyon, paggawa at pagmamay-ari ng mga iligal na droga.

Itinuturing ding heinous crimes ang mga paglabag gaya ng treason, piracy in general and mutiny sa high seas sa mga karagatan ng PH, qualified piracy, qualified bribery, parricide; murder; infanticide; kidnapping and serious illegal detention; robbery with violence against or intimidation of persons; destructive arson; at rape.

“Law enforcers and other persons in authority are responsible for maintaining public order and preventing crime. They should be held to a higher standard of behavior and conduct as protectors of the people. Thus, when they turn out to be the problem themselves by acting as accessories to the commission of heinous crimes, they become hoodlums in uniform who deserve to be severely punished under the law,” paliwanag ni Yamsuan.